Tuluyan nang nilamon ng dilim ang liwang. Napakalamig ng hanging dumarampi sa aking balat. Tila ito’y sumisigid sa aking laman, patungo sa aking buto. Wari ko’y umabot na ang lamig sa aking utak, dahilan upang magmistulang manhid ito. Hindi ko na malaman ang tama o kung ano ang
Hindi ko malilimot ang araw na iyon. Ang araw na hindi ko maitago ang aking nararamdaman kahit ako ay isang lalaki. Iyon ang unang araw ng pasukan. Noon ko nakilala ang aking matalik na kaibigan. Siya ang unang naging malapit sa akin. May malamlam siyang mga mata, kayumangging kulay at magandang tikas ng katawan.
Philip.
Tila isang piraso ng puzzle na saktong-sakto sa kanyang pangalan.
Si Philip lamang ang lagi kong kasama. Sa lahat ng bagay ay hindi kami mapaghihiwalay. Magkasama kami sa lahat ng kalokohan at ilang mga pinoproblema sa buhay.
Tuwing hapon ay lagi kaming nakatambay na kasama ang gaming mga gitara. Walang humpay na awitan at hagalpakan ang aming inaatupag. Walang paglagyan ang aming kaligayahan kapag kami’y magkasama.
Isang araw ay nabalitaan kong may kasintahan na siya--- si Annicka. Si Annicka, ang sikat na cheerleader ng paaralan. Maganda at matalino. Mabait at mayaman. Ano pa nga ba ang kanyang kakulangan?
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero tila may isang kurot sa aking puso. Nag-iwan ito ng sugat na patuloy na nagdurugo lalo na ‘pag makikita ko sila. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa loob ko.
Nais kong apulahin ang apoy sa aking kalooban. Unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Pinilit kong iwasan siya. Pinilit kong itapon ang nararamdaman ko para sa kanya. Pinangako kong ayoko na siyang makita at kausapin pa.
Ilang araw, linggo at buwan na ang lumipas. Isang araw, habang ako’y mag-isa doon sa aming tambayan, nakatanggap ako ng tawag mula kay Annicka. Ayoko sanang marinig ang boses niya kaso nakakapagtaka namang gusto niya akong makausap.
Isang tigang na “hello” ang lumabas sa aking labi. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. Ang bawat salita niya’y tila dinudurog ang aking puso. Pinupunit ang aking tibay at winawasak ang aking lakas. Binaba ko na ang telepono at humangos patungo kung nasaan sila.
Pagsapit ko doo’y bumungad sa akin ang maamong mukha ni Annicka.
“Inaasahan kita. Pinabibigay nga pala ni Philip. Ibigay ko daw ito sa ’yo ‘pag may nangyaring masama sa kanya. Nandoon siya sa loob.”
Ito ang mga katagang binitawan niya habang inaabot sa akin ang isang liham. Nangangatal kong binuksan ito. Pamilyar ang bawat hubog ng mga letra. Si Philip, sulat ni Philip. Sinimulan ko ng itong basahin…
Mark,
Alam kong ito’y mahirap paniwalaan pero ito ang totoo.
Masayang-masaya ako ng dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang ang nais kong makasama at makausap. Ikaw, ikaw at ikaw lang. Pinilit kong takasan ang katotohanan pero nasasaktan ako kapag pinagsisinungalingan ko ang sarili ko.
Hindi ko alam kung bakit mo ko biglang iniwasan. Siguro’y dahil ni Annicka pero pinsan ko lang siya.
Mahirap ngang paniwalaan, mali man sa pananaw ng iba at labag man sa Paningin ng Sangkatauhan, mahal talaga kita, Mark.
Philip
Umaagos ang malulusog na luha mula sa aking mga mata. Nilamon ako ng pagsisisi. Ngayong patay na siya, hindi ko na alam kung ano pa ang dahilan kung bakit nabubuhay pa ako…
Hinding-hindi ko malilimot ang pangyayaring ito. Isang eksenang bumago sa buhay ko. Kahit na ngayong may asawa na ako at pamilya, hindi pa din mawawalay ang alaalang nagmahal akong isang katulad ko.
copyrights ko!! ako gumawa hahaha!!!>.<