Thursday, November 12, 2009

STORY NUMBER ONE

Hating Kapatid
"Bili mo naman ako nun Ma!"
"Ala pa!Mas kailangan natin ang perang ipambibili mo dun noh!"
Malaki ang pagkadismaya ko sa mga salitang yun. Mabigat ang kaloobang umuwi ako sa bahay. Galing kami ng SM nun.Kayganda talaga ng itim na bagay na iyon. Matagal ko nang hinihiling na mapasakamay ko iyon pero alam ko namang hindi namin kaya. Bukod sa sapat lamang ang kinikita ng aking ama sa kanyang trabaho ay lumalaki na rin ang gastusin ko sa pag-aaral lalo na ngayong high school na ko.
"Haay...Mabibili rin kita!",ang nasambit ko sa aking sarili bago pa man tuluyang bumigat ang aking talukap at mahimbing.
"Asan ako?Wow!Ang gagara ng mga sasakyan sa labas nitong...S-SM?!",hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari."Ang mga tao...lahat sa akin nakatitig...",ngunit hindi iyon ang nakabahala sa akin kundi ang kanilang mga hawak na bagay.Ang bagay na iyon na matagal ko nang inaasam-asam."Bakit lahat sila meron nun!Hinde!Hindeeeeee!!!!"
Sabay ng pagmulat ng aking mga mata,ang pagtulo ng aking butil-butil na pawis."Panaginip lang pala!."Ikalima na ng umaga at papasok na sa eskwela.Namg makaalis ako ng bahay at makarating ng paralan,agad kong tinungo ang aking upuan at nagkwenta.
"Five hundred seventy-five pesos divided by ...P20 is---28.75 or 29 days..."
Dalawampu't siyam na araw ay humigit kumulang na isang buwan.
"Isang buwan!?",aking napabulalas.
"Psst!!! Ano ba iyan?!",tanong ng isa kong kamag-aaral.
"Ha? W-wala...wala,araw lang bago magPasko!!Hehe."
Saka niya tinanggal ang tingin sa akin.ng tagal naman ng hihintayin ko!!
Lumipas ang mga araw.Tiniis kong hindi bumili ng paborito kong inumin at pagkain sa hapon para makaipon at sa wakas!! Nakaipon din ako!Makakabili na ako! Niyaya ko ang kaibigan ko upang balikan ang nasabing produkto.
Agad naming tinungo ang aming destinasyon. Makalipas ang ilang minuto...
"Ma'am,thank you for shopping!",bati ng isang saleslady.
"Punta tayong SOS.",pagyaya ni Ella.
"Geh."
Pagsapit namin ng SOS,isang bagay ang agad pumukas sa aking paningin.Isang bagay na pamilyar sa akin...itim at makapal.Napatingin ako sa supot na kinalalagyan ng binili ko at bumungad saakin ang presyong "P575".Ibinaling kong muli ang tingin sa bagay na iyon at nakitang P287.50 ang presyo nito.Ang librong iyon na P287.50 lang ay kapareho ng P575 na hawk ko! Kalahati lang ang presyo.Umakyat ang lumbay sa aking utak at ang dating balot ng saya ay napawi at naiwang nakatulala.


Originally written by Cassiopeia a.k.a imai or Mhay
© 2009 Batangas City,Batangas Philippines
My Corporation [Lol! as if!!]


Posted by Cassiopeia at 1:39 AM